Ascendens Asia Logo
Logo

Research Journals Portal

Takaw-Tingin: Kultura ng Pagkain Noong 1847 Batay sa Album Vistas De Las Yslas Filipinas Y Traces De Sus Abitantes 1847ni Jose Honorato Lozano

Authors: Camorongan Jelo Matt

Discipline

History

Abstract

Ang mga biswal na arkibo ay nagbibigay ng natatangi at ibang lente upang mas mapag-aralan ng mga historyador ang kultura ng pagkain ng mga Pilipino. Sa kabilang banda, ang mga sanggunian o arkibong tekstwal, halimbawa ay mga kronika ng mga prayle, mga travelogue o tala ng paglalakbay, at trade records o listahan ng kalakalan, ay madalas na nagiging repleksyon ng pagkiling ng mga administrador at mga tagamasid, partikular ng mga elit na tagamasid, na hindi binibigyang-pansin ang totoong karanasan ng mga karaniwang Pilipino. Sa ganitong konteksto, ang Album Vistas de las Islas Filipinas y Traces de Sus Abitantes (1847), na iginuhit at ipininta ni Jose Honorato Lozano at kinomisyon ni Gervasio Gironella, ay napakahalaga. Ang sulating ito ay tumatalakay sa album sa pamamagitan ng lente ng reading against the grain, na tumitingin sa katahimikan, pagkiling, at limitasyon ng nasabing babasahin. Nagiging pokus ang kultura ng pagkain at iba't ibang ugnayan nito, tulad ng diskriminasyon sa paggawa batay sa kasarian at hirarkiyang panlipunan. Tinatalakay sa sulating ito kung paano naipapakita sa mga gawa ni Lozano ang urbanong pamumuhay ng mga Pilipino habang bumubuo ng larawang picturesque para sa kolonyal na pagkonsumo. Dagdag pa rito, tinatalakay din ang pagpapatuloy ng kultura ng pagkain ng mga Pilipino mula sa ika-19 na siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang album ay parehong etnograpiko at estetiko. Ito ay etnograpiko dahil sa dokumentasyong nabuo nito sa mga gawi at kultura ng pagkain, habang estetiko naman dahil ito ay binubuo ng mga larawang ang hangarin ay maging picturesque para sa kolonyal na pagkonsumo ng mga Europeo noong ika-19 na dantaon. Kaya naman, ang Album Vistas de las Islas Filipinas y Traces de Sus Abitantes 1847 ay maaaring tingnan bilang makasaysayang batis, lalo na kung ang paggagamitan ay kultura at kasaysayan noong ika-19 na dantaon, at maaari namang tingnan bilang kolonyal na relika ng nakaraan na nagpapakita ng perspektibo sa urbanong pamumuhay ng mga Pilipino sa panahong ito. Mayroong apat na temang nakita sa sulatin: (1) mga eksena sa kalsada noong ika-19 na siglo, (2) pagkain at mga kagamitang may kaugnayan sa pagkain, (3) antas panlipunan noong ika-19 na siglo, at (4) paggawa batay sa kasarian o gendered labor noong ika-19 na siglo.

Keywords

honorato lozano, album 1847, 19th century philippines, kultura ng pagkain, biswal na arkibo

How to Cite

Use the format below when citing articles from this publication.

APA 7th Edition

Matt, C. J. (2026). Takaw-Tingin: Kultura ng Pagkain Noong 1847 Batay sa Album Vistas De Las Yslas Filipinas Y Traces De Sus Abitantes 1847ni Jose Honorato Lozano. Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts, 9(1). Retrieved from https://ascendens.asia/AAJMRA/9/1/279

Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts (AAJMRA)

The Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts (AAJMRA) is a collection of abstracts of research papers presented during Multidisciplinary Research Fests (MRFs) mainly organised by Ascendens Asia Singapore as well as other research conferences in collaboration with various institutions and learned societies.

Volumes

10 volumes

Issues

4 issues

ISSN

2591-7064