Ascendens Asia Logo
Logo

Research Journals Portal

DepEd Memorandum No. 048, S. 2025: Pagsusuri sa mga Pananaw ng Guro sa Paunang Implementasyon ng Strengthened Senior High School Curriculum sa Holy Trinity Academy

Authors: Xavier Josh Frank, Sean Krystoff Hugh Salazar, Ixaky Javiene Batu, Charles Fredrick Casama, Daniela Cataluña, Qwinny Zhairah Diaz, Andrei Miguel Esperanza, Mariannelg Juliette Madula, Brent Kristoffe Paguyo, Devius Jairo Pallasigue, Brent Zandrei Salvador

Advisers

Mr. Jayson Sevilla Sicorsicor

Discipline

Education

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong tuklasin ang mga karanasan, hamon, at pananaw ng mga guro sa Holy Trinity Academy hinggil sa implementasyon ng Strengthened Senior High School Curriculum (SSHSC). Nilalayon nitong maunawaan kung paano nakaaapekto ang nasabing kurikulum sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto, pati na rin kung paano ito nakatutulong sa paghahanda ng mga mag-aaral para sa kolehiyo at sa kanilang hinaharap na propesyon. Gumagamit ang pag-aaral na ito ng kwalitatibong disenyo ng pananaliksik sa pamamagitan ng panayam na may gabay na tanong bilang pangunahing instrumento sa pangangalap ng datos mula sa mga gurong may direktang karanasan sa implementasyon ng SSHSC. Ang mga datos ay sinusuri gamit ang thematic analysis upang matukoy ang mga karaniwang tema at pananaw mula sa kanilang mga tugon. Lumitaw sa mga natuklasan na positibo ang pananaw ng mga guro sa layunin ng SSHSC dahil nakatuon ito sa pagpapabuti ng kalidad ng edukasyon at sa mas mahusay na paghahanda ng mga mag-aaral. Gayunpaman, natukoy din ang mga hamon tulad ng kakulangan ng oras sa paghahanda, limitadong kagamitan sa pagtuturo, at kakulangan ng pagsasanay na nagdulot ng mga pagsubok sa implementasyon. Upang mapagaan ang mga hamong ito, kinakailangang mapalakas pa ang suporta sa mga guro sa pamamagitan ng sapat na pagsasanay, maayos na koordinasyon, at pagkakaloob ng mga kinakailangang materyales para sa epektibong pagpapatupad ng kurikulum.

Keywords

strengthened senior high school curriculum, holy trinity academy, pagpapatupad ng kurikulum, paunang implementasyon

How to Cite

Use the format below when citing articles from this publication.

APA 7th Edition

Batu, I. J., Casama, C. F., Cataluña, D., Diaz, Q. Z., Esperanza, A. M., Frank, X. J., Madula, M. J., Paguyo, B. K., Pallasigue, D. J., Salazar, S., & Salvador, B. (2026). DepEd Memorandum No. 048, S. 2025: Pagsusuri sa mga Pananaw ng Guro sa Paunang Implementasyon ng Strengthened Senior High School Curriculum sa Holy Trinity Academy. Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts, 9(1). Retrieved from https://ascendens.asia/AAJMRA/9/1/280

Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts (AAJMRA)

The Ascendens Asia Journal of Multidisciplinary Research Abstracts (AAJMRA) is a collection of abstracts of research papers presented during Multidisciplinary Research Fests (MRFs) mainly organised by Ascendens Asia Singapore as well as other research conferences in collaboration with various institutions and learned societies.

Volumes

10 volumes

Issues

4 issues

ISSN

2591-7064