TikTuklas sa Pagpapaunlad ng Kaalaman sa Barayti ng Wika ng mga Mag-aaral sa Baitang 11
Authors: Ramel Tusiap, Rudelyn Abejar, James Albert Abla, Janiela Fagtanac, Ezekiel Dizon
Advisers
Ireneo M. Biojela, MAEd
Discipline
Education
Abstract
Bunsod ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya at social media, partikular ng TikTok, isinasaalang-alang ng mga mananaliksik ang potensyal nito bilang interaktibong kasangkapan sa pagpapahusay ng kaalaman sa wika. Sinuri sa pag-aaral na ito kung paano makatutulong ang TikTuklas bilang plataporma sa pagtuturo at pagkatuto ng barayti ng wika sa mga mag-aaral sa Baitang 11. Nilalayon nitong tuklasin kung maaaring magsilbing mabisang midya ang maiikling bidyo sa pagpapalawak ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang anyo ng barayti ng wika. Isinagawa ang pananaliksik sa 100 piling mag-aaral mula sa apat na strand ng Senior High School: ABM, HUMSS, STEM, at GAS. Gumamit ng stratified random sampling upang matiyak ang representasyon mula sa bawat strand. Sa pangangalap ng datos, ginamit ang pre-test at post-test na talatanungan at Likert scale. Ginamit naman ang weighted mean at ranking upang masukat ang kaalaman at pananaw ng mga kalahok hinggil sa TikTuklas bilang pantulong na midya sa pag-aaral ng barayti ng wika. Ipinakita ng mga resulta ang makabuluhang pagtaas sa marka ng mga mag-aaral mula sa pre-test tungo sa post-test matapos gamitin ang TikTuklas. Iniulat din ng mga kalahok na naging mas malinaw at kawili-wili ang pagtalakay sa barayti ng wika dahil sa mga konkretong halimbawang ipinakita sa maiikling bidyo. Lumitaw din na nakatulong ang interaktibong bidyo sa wastong paggamit ng wika, pagbuo ng ideya, at masusing pagsusuri. Ipinahihiwatig ng mga tugon na maaaring makatulong ang TikTuklas sa pagpapataas ng motibasyon at interes ng mga mag-aaral at sa paglikha ng mas makabuluhang karanasan sa pagkatuto. Maaari itong gamitin bilang pandagdag na kagamitan sa pagtuturo ng Filipino, partikular ng barayti ng wika, at magsilbing batayan sa patuloy na pagpapaunlad ng teknolohiyang panturo sa Senior High School.
Keywords
interaktibong bidyo, teknolohiyang panturo, filipino, tiktuklas, barayti ng wika, baitang 11
How to Cite
Use the format below when citing articles from this publication.
APA 7th Edition
Abejar, R., Abla, J. A., Dizon, E., Fagtanac, J., & Tusiap, R. (2026). TikTuklas sa Pagpapaunlad ng Kaalaman sa Barayti ng Wika ng mga Mag-aaral sa Baitang 11. Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research Abstracts, 8(6), 30-30. Retrieved from https://ascendens.asia/AASgBCPJMRA/8/6/1721
Ascendens Asia Singapore – Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research Abstracts (AASgBCPJMRA)
The Ascendens Asia Singapore–Bestlink College of the Philippines Journal of Multidisciplinary Research Abstracts (AASgBCPJMRA) compiles abstracts of research papers presented at Multidisciplinary Research Fests primarily organized by Ascendens Asia Singapore in partnership with Bestlink College of the Philippines.
Volumes
8 volumes
Issues
6 issues
ISSN
2661-4472
Publisher
Ascendens Asia Publishing Pte. Ltd.